Dalagita ginilitan

BULACAN, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 16-anyos na babae kung saan ginilitan at sinak­sak bago iniwan sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan sa loob ng kuwarto ang duguang bangkay ni Jojesma Ferol. Ayon kay SPO2 Jimmy Ortega, na may kumot at unan sa ibabaw ng mukha ng biktima nang makita ng kanyang kaanak na si Gloria Ferol. Walang palatandaang pagnanakaw ang motibo ng krimen. May teorya ang pulisya na kakilala ng biktima ang suspek dahil walang anumang ingay na narinig ang mga kapitbahay nito. Boy Cruz

Show comments