^

Probinsiya

4 turista sugatan sa pamamaril ng pulis

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sumasailalim nga­yon sa imbestigasyon ang hepe ng pulisya at mga tau­han nito kaugnay sa naganap na pamamaril na ikinasugat ng apat na turista noong Bi­yernes ng gabi sa Puerto Ga­lera, Oriental Mindoro.

Ayon kay P/Senior Supt. Sonny Ricablanca, Oriental Mindoro police director, pan­samantalang ni-relieve sa puwesto si P/Supt. James Brillantes bilang hepe ng Puerto Galera habang ina­alam ang ugat ng kaguluhan na naganap sa Hummerhead Broadway KTV Bar sa Ba­rangay Sabang.

Kinilala ang mga suga­tang turista na sina Hou Kim at Hoseung Kim, kapwa Ko­reano; John Ghim, US citizen; Paul Jones, Australian; at ang local na turistang si Ruel Sotto.

Batay sa imbesti­gas­yon, lumilitaw na nagka­roon ng mainitang pagta­talo ang Koreanong si Hou Kim at isang guest relation officer (GRO) sa loob ng videoke bar.

Napag-alamang tinang­kang awatin ng tauhan ni Bril­lantes na si PO1 Hel­mero On­devilla na sina­sa­bing mga bi­sita sa launching ng KTV bar.

Ikinagalit naman ni Sotto ang pakikialam ni PO1 On­devilla hanggang sa mag­buno sila at ma­agawan ng baril ng pulis na nagbunsod para magpa­putok ng baril si Col. Brillantes.

Nang humupa ang ka­guluhan, sugatan si Sotto matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa hita kung saan isinugod sa MMG Hospital sa Calapan City kasama ang tatlong turista na nag­kasugat sa kanilang mga paa at kamay. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

CALAPAN CITY

HOSEUNG KIM

HOU KIM

HUMMERHEAD BROADWAY

JAMES BRILLANTES

JOHN GHIM

ORIENTAL MINDORO

PAUL JONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with