^

Probinsiya

7 bayan binalot ng dilim

-

ZAMBALES , Philippines  — Aabot sa pitong bayan sa lala­wigan ng Zambales ang dumanas ng partial blackout simula pa kamakalawa ng umaga makaraang mag-aklas sa kani-kanilang puwesto ang mga kawani ng electric company.

Kabilang sa mga ba­yang naapektuhan na uma­bot sa kalahating milyong residente ang nasa dilim ay ang Subic, Castillejos, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, San Felipe at bayan ng Cabangan.

Ang pag-aaklas ay bi­lang suporta sa mga opis­yal ng Zambales Electric Cooperative (ZAMECO II) na inatasan ng korte na ba­kantehin ang kanilang opi­sina base sa reklamong isi­nampa ng mga dating opis­yal.

Una rito, tinanggap ni Zameco II Interim Board Chair Engr. Dominador Gallardo, ang writ of injunction order na ipinalabas ni Judge Raymond Viray ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 75 na nag-uutos bakantehin nito at iba pang opisyal ang kanilang puwesto.

Bilang pagpapakita ng suporta kay Gallardo, nag-aklas ang mga kawani ng ZAMECO II, partikular sa Sub-station sa bayan ng Castillejos.

Napag-alamang na­apek­tuhan ang maraming negosyo sa mga bayang binalot ng dilim.

Kumalat din ang impor­masyon, na ilang kawani ng Zameco II ang nagtago ng mga piyesa ng power station sa Castillejos kung kaya naganap ang brownout. Randy Datu

CASTILLEJOS

DOMINADOR GALLARDO

INTERIM BOARD CHAIR ENGR

JUDGE RAYMOND VIRAY

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

RANDY DATU

SAN ANTONIO

SAN FELIPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with