2 Koreano utas sa scuba diving

MANILA, Philippines - Dalawang Koreano ang iniulat na nasawi makaraang kapusin ng oxygen sa scuba diving kamakalawa sa karagatan ng Panagsama sa bayan ng Moalboal, Cebu. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Eok Soo Kim at Kim Sung Hee habang nakaligtas naman si Seong Ki Baek. Ayon sa ulat, nag-scuba diving ang mga biktima kung saan bigla na lamang nagkakaway si Hee na nanghihina matapos na lumutang sa dagat si Kim na bumubula na ang bibig. Napansin naman ito ni Fritz Georfo, compressor man na mabilis na dinaluhan ang mga Koreano. Joy Cantos

Show comments