^

Probinsiya

ARMM police director, PNP force sa Ampatuan sinibak

-

MANILA, Philippines - Sinibak na rin kahapon ni PNP Chief Director Je­sus Verzosa ang Ma­guin­danao police director at buong puwersa ng Am­patuan PNP.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto ay si ARMM provincial director Faisal Umpa kung saan pansa­mantalang ipinalit si P/Senior Supt. Benjamin Latag bilang OIC.

Sinibak din ang buong pu­wersa ng Ampatuan PNP na may 20 pulis sa pa­ngunguna ni SPO2 Badawi Bakal.

Naunang pinatawan ng administrative relief ang OIC ng Maguindanao Provincial Police Office na si P/Senior Supt. Abusana Ma­guid, P/Chief Insp. Sukarno Dicay, OIC deputy police director ng Maguindanao; P/Senior Insp. Ariel Dion­gon, OIC ng 1508th Provincial Mobile Group; P/Inspector Arman­do Mariga, OIC ng 1506th PMG at P/Insp. Saudi Mokamad ng 1507th PMG.

“The PNP and AFP security personnel have also secured the entire stretch of the national highway connecting these three vital installations in Ma­guindanao,” pahayag ng PNP Chief.

“Kailangang palitan ang lahat ng opisyal ng pulisya sa Maguindanao upang mag­karoon ng patas na imbesti­gasyon sa pagka­kadawit ng mga pulis sa karumaldumal na krimen,” pahayag ni Puno.

Samantala, umaabot na sa 347 miyembro ng Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA) sa Maguindanao ang dinisar­mahan matapos buwagin ng AFP kahapon.

Alinsunod pa rin sa idi­ne­klarang state-of-emergency sa Maguindanao, Sultan Ku­darat at Cotabato City, sinabi ni Verzosa na lahat ng permit to carry firearms (PCF) ay sinuspinde upang mapigilan ang pag­la­ganap ng kara­hasan.

Kasunod nito, muling igi­niit ni Verzosa sa Co­melec na aprubahan ang reko­ men­dasyon ng PNP na limitahan sa dalawang close-in security aide na nakauniporme at dala­wang sibilyan ang escort ng mga pulitiko. Joy Cantos

vuukle comment

ABUSANA MA

ARIEL DION

BADAWI BAKAL

BENJAMIN LATAG

CHIEF DIRECTOR JE

CHIEF INSP

MAGUINDANAO

SENIOR SUPT

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with