Saksi sa poll executive's slay sasailalim sa WPP

MANILA, Philippines - Isasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng  pulisya ang hawak na saksi na magdidiin sa mga suspek na sangkot  sa ka­song pagpatay sa Comelec official sa bayan ng Tu­mauini, Isabela kama­kalawa.

Ayon kay P/Chief Supt Roberto Damian, na nasa kanilang kustodiya ang isang  guest relations officer (GRO) na naging ka­sama ng mga naarestong suspek na sina Giovanni Taccad Mendoza at Michael Magdangal ilang oras bago  ang pagpatay kay Atty. Michael Valdez.

Napag-alamang narinig ng saksi ang mga suspek na pinag-uusapan ang bik­tima habang nakikipag- inuman sa bahay ng nag­ngangalang Jessie Calan­day sa isang barangay sa bayan ng Ilagan.

Naniniwala si Damian na matibay ang kanilang mga ebidensya at testi­monya ng saksi upang madiin sa kasong murder ang mga suspek.

Samantala, patuloy na­man ang pagtugis sa tat­long iba pang suspek na responsible rin sa krimen noong Sabado na naganap sa Country State Inn sa bayan ng Tumauini. Joy Cantos

Show comments