Sementeryo para sa Muslim itatayo
BATAAN , Philippines — Inaprubahan na kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na magbibigay ng kapangyarihan kay Bataan Governor Enrique Garcia Jr. na makipag-uganayan sa may-ari ng lupa para sa pagkakaroon ng sariling libingan ang may 15,000 Muslim sa bayan ng Dinalupihan, Bataan. Tinukoy na ng provincial government ang pagtatayuan ng libingan ng mga Muslim sa Barangay Colo, Dinalupihan na may sukat na 1.7 ektaryang lupain.
Hindi makakaila na ang pinakamalapit na sementeryo ng mga Muslim ay nasa Cabanatuan City, Bulacan, Subic at sa Taguig City.Kaugnay nito, iminungkahi ni Board Member Gaudencio Ferrer na hindi lamang dapat eksklusibo para sa mga Muslim ang ipatatayong sementeryo at imbes ay gawin itong common municipal cemetery.
Sinang-ayunan naman ito ni Board Member Angel Peliglorio, Jr. sa pagsasabing dapat na maging flexible ang lokal na pamahalaan sa tradisyon ng mga Muslim. Jonie Capalaran
- Latest
- Trending