MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang dalawang pulis sa madugong panghoholdap ng anim na mga armadong holdaper sa isang pampasaherong bus nitong Sabado ng madaling araw sa Sta. Rita, Samar.
Sa phone interview, kinilala ni Sr. Supt. Pancho Jovilla ang mga nasawing biktima na sina PO3 Nelson Ataylar, nakata laga sa Lapinig Municipal Police Station sa Eastern Samar at PO1 Michael Dante, isang police trainee ng Taft, Eastern Samar.
Sinabi ni Jovilla na nangyari ang insidente sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Sta. Rita bandang alas-3:30 ng madaling-araw.
Ayon sa opisyal, ang bus ay galing sa Tacloban City, Leyte at patungong Oas, Eastern Samar.
Ang anim na suspek na pawang armado ng cal. 45 pistol, 38 Ingram, revolver at granada ay nagpanggap na mga pasahero na sumakay kasama ng mga biktima sa Tacloban City.
Gayunman, mahigit 30 mi nuto habang naglalakbay ang nasabing bus ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek pagsapit sa lugar.
Akmang bubunot ng baril si Ataylar upang lumaban subalit natunugan ito ng mga suspek na agad itong pinaputukan sa ulo na naging dahilan ng kaniyang dagliang kamatayan.
Sa pagkabigla ay tumalon naman si Dante na sa kama lasan ay nabagok sa espaltadong highway ang ulo at binawian ng buhay pasado alas-8:00 ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa Bethany Hospital sa Tacloban City.
Ang nasabing police trainee ay natagpuan ng mga nagrespondeng pulis na nakabulagta sa gitna ng kalsada na nagtamo ng malaking sugat sa ulo sa pagkakabagok nito.
Sa ibinigay na testimonya ng isa pang police trainee na si Marlo Abrogar, Waray uma no ang punto ng mga suspek bagaman Tagalog ang salita ng mga ito nang magdeklara ng holdap at nilimas ang kagamitan, alahas at pera ng mga pasahero. (Joy Cantos)