Protesta vs Nazareno, binasura ng Comelec
LAGUNA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Election (Comelec) ang protesta laban kay Mayor Arlene A. Nazareno ng Sta Rosa, Laguna na isinumite ng kanyang katunggaling si Joey Catindig. Sa resolusyon ng Comelec na ibinaba kahapon, kinatigan ng Comelec presiding Commisioner Nicodemo Ferrer, Comm. Lucenito N. Tagle, at Comm. Elias R. Yusoph, ang panalo ni Nazareno. “Wherefore, with the Commission’s affirmation of the proclamation of the protestee Nazareno as the duly elected Mayor of the City of Sta Rosa, Laguna, the instant petition is hereby dismissed for lack of merit,” anang resolusyon. “Hindi naman naging sagabal ang kasong ito sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo ni Mayor Nazareno. Expected na namin ang resulta dahil malayo naman talaga ang lamang ni Mayor Nazareno,” pahayag ni Leonardo Ragaza Jr. Dapat daw tanggapin ng maluwag ni Catindig ang boses ng tao at subukan na lamang muli ang susunod na eleksyon kung nais pa nitong paglingkuran ang mga mamamayan ng Sta Rosa City. “Defeat has its lessons as well as victory,” paalala ng Comelec kay Catindig. Butch Quejada
- Latest
- Trending