^

Probinsiya

Kaalyado ng mayor itinumba

-

LAOAG CITY, Ilocos Norte, Philippines – Brutal na kama­ta­yan ang sinapit ng isang reti­radong opisyal ng pu­lisya makaraang pagba­ba­rilin ng dalawang nakasa­kay sa mo­torsiklo noong Mi­yerkules ng gabi sa Ba­rangay Cali sa ba­yan ng Dingras, Ilocos Norte.

Si Raymundo Castillo Jr. na dati ring barangay chairman ay binaril ng malapitan ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng car repair shop ng kanyang anak.

Napag-alamang naka­upo ang biktima sa loob ng kan­yang sasakyang naka­parada nang lapitan at ratratin sa leeg at dibdib.

Ayon kay P/Senior Supt. Benjamin Lusad, Ilocos Norte police director may mga pala­tandaan na sa mga suspek base sa im­por­mas­yon naka­lap nila sa mga na­ka­saksi su­balit tu­mangging iditalye ang pag­kikilanlan.

Nabatid pa sa ulat na si Castillo Jr. ay sinasabing close ally ni Dingras Mayor Marineth Gamboa na kala­ban sa politika ni Ilocos Norte Governor Michael Keon.

May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang pama­maslang sa pagiging close ally ng biktima sa nabanggit na alkalde. Artemio Dumlao

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

AYON

BENJAMIN LUSAD

CALI

CASTILLO JR.

DINGRAS MAYOR MARINETH GAMBOA

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE GOVERNOR MICHAEL KEON

SENIOR SUPT

SHY

SI RAYMUNDO CASTILLO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with