^

Probinsiya

4 pulis inambus, todas

-

MANILA, Philippines - Apat na pulis at isang re­belde ang napaslang maka­raang tambangan ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army sa Crossing ng Barangay Anti­polo sa Bulan, Sorsogon ka­hapon.

Sinabi ni Police Regional Office 5 Director Chief Supt. Ruben Padua sa isang pana­yam sa telepono na naganap ang insidente sa nasabing lu­gar bandang alas-11:30 ng umaga.

Kinilala ang mga napas­lang na pulis na sina Inspector Jerson De Leon, SPO1 Johnson Gerola, PO2 Darwin Detoit at PO1 Ryan Padrique.

Ang napaslang na rebelde ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan, ayon sa opisyal. Isinugod naman sa paga­mutan ang mga sugatang sina PO1 Frans Guiamos, PO1 Alain Lanuza at PO1 Alwin Bal­dano.

Nagsasagawa ng anti-cri­minality patrol ang mga ele­mento ng 509th Provincial Police Mobile Group sa pamu­muno ni de Leon matapos na maka­tanggap ng impormas­yon sa raid ng NPA sa bahay ni Garry Goyala, driver ni Rep. Jose Solis bandang alas-9 ng umaga sa J.P. Laurel, Bulan.

Gayunman, habang patu­ngo sa lugar, pina­ulanan ng bala ng mga rebelde ang na­sor­presang mga pulis. (Joy Cantos at Ed Casulla)

ALAIN LANUZA

ALWIN BAL

BARANGAY ANTI

BULAN

DARWIN DETOIT

DIRECTOR CHIEF SUPT

ED CASULLA

FRANS GUIAMOS

GARRY GOYALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with