^

Probinsiya

24 batang rebelde sumuko

-

MANILA, Philippines - Sumuko sa gobyerno ang 24 batang mandirigma ng New People’s Army sa Da­vao Region kung saan lima sa mga ito ay menor-de-edad mula sa NPA Front Committee 51. Mapayapa naman tinanggap ng 39th infantry battalion ang mga rebelde sa Brgy. Binaton, Digos City, Davao del Sur.

Ayon sa mga batang NPA, nais nilang makapag­bagong-buhay at makauwi sa kanilang pamilya para na rin makakuha ng benepisyo mula sa Social Integration Program na pinatutupad ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Anna­belle Abaya.

Batay sa programa, bi­ bigyan ng livelihood assistance na nag­kakahalaga ng P20,000 ang mga sumukong rebelde upang mag­karoon ng maliit na negosyo, habang ang mga magsusuko ng ma­tataas na kalibre ng baril gaya ng M16 assault riffle ay tatanggap ng karagdagang P50,000. Inaasahan namang marami pang mga rebelde ang magsisibaba sa kabun­dukan para sumuko sa ba­tas. (Joy Cantos)

ABAYA

AYON

BATAY

DIGOS CITY

FRONT COMMITTEE

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER

PEACE PROCESS SECRETARY ANNA

SHY

SOCIAL INTEGRATION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with