Killer bus: Mag-asawa todas

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawang sakay ng motorsiklo makaraang salpukin ng pampasaherong bus ka­ha­pon ng umaga sa kahabaan ng highway sa Barangay Carpenter Hill sa Koronadal City, South Cotabato.

Halos malasog ang katawan ng mag-asawang sina PO1 Jushue Pareño, 30, ng 1208th Police Provincial Mobile Group ng Sultan Kudarat, at Liezel Pareño, 29. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na patungong General Santos City pabalik ang mag-asawa nang masalpok ng Holiday Bus Liner (LWR-972) na minamaneho ni Manuel Abrasardo, 34.

Napag-alamang nag-overtake ang bus sa sinusundang truck nang makasalubong nito ang motorsiklo ng mag-asawa. Ricky Tulipat

Show comments