^

Probinsiya

Pangmatrikula nawala; estudyante nagbigti

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines – Isang estudyante sa Barangay F. de Castro, General Mariano Alvarez sa lalawigang ito ang nag­pati­wakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili makaraang ma­pa­galitan ng kanyang lola dahil naiwala niya ang perang pangmatrikula niya sa eskuwelahan kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Vixsen Uro, 17-anyos, re­sidente ng Block 13, Lot 9, Caza Monteverde ng nabang­git na barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Manaig, may hawak ng kaso, dakong alas-3:30 ng hapon ng hanapin ni Gng. Victoria Malasarte, lola ng biktima, ang kanyang apo.

Pagpasok ni Malasarte sa kuwarto ni Uro ay laking gulat na lamang niya nang makita ang biktima na nakabigti sa kawad ng kuryente at nakatali sa kisame ng kuwarto.

Agad na humingi ng saklolo ang matanda sa kanyang kapitbahay at ibinaba ang biktima bago dinala sa Medicare Hospital subalit idineklara na itong dead-on-arrival.

Nabatid sa pulisya na, bago naganap ang pagpapa­kamatay ng biktima, nakagalitan ito ng kanyang lola dahil nawala umano ang pangbayad nito sa kanyang matri­kula. Hindi naman akalain ng lola na gagawin ng kanyang apo ang magbigti.

Dinala sa Heaven Funeral Homes ang bangkay ng biktima upang sumailalim sa awtopsiya at iniimbes­tigahan pa ng pulisya kung may foul play na naganap.

vuukle comment

BARANGAY F

BATAY

CAZA MONTEVERDE

GENERAL MARIANO ALVAREZ

HEAVEN FUNERAL HOMES

MEDICARE HOSPITAL

RONALD MANAIG

SHY

VICTORIA MALASARTE

VIXSEN URO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with