Pagpapalaya sa principal hiniling ng DepEd

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Department of Education (DepEd) sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na palayain na ang principal ng isang elementary school na dinukot ng mga ito sa Patikul, Sulu noong Linggo.

Sinabi pa ni DepEd Secretary Jesli Lapus na malaking kawalan umano sa komunidad ang edukasyon ng mga batang mag-aaral kung kaya’t hindi dapat dukutin ng mga bandido ang mga guro at mga principal.

Nitong Oktubre 19 ay dinukot ng mga armadong kala­lakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf ang biktimang si Gabriel Canizares, 37-anyos, principal sa Kanague Elementary School sa bayan ng Patikul ng lalawigan. (Joy Cantos)

Show comments