253 evacuees nalason sa rasyon
LAGUNA, Philippines – Tinatayang aabot sa 253-katao mula sa evacuartion center ang isinugod sa iba’t ibang ospital makaraang malason sa pagkaing ipinamigay sa mga evacuees sa bayan ng San Pedro, Laguna kamakalawa ng gabi.
Ayon sa municipal health officer na si Dr. Jaime Baron, umabot sa 212- katao kabilang na ang mga kabataan at matatanda ang dinala sa Amante Hospital sa San Pedro, San Lazaro Hospital sa Maynila, JP Rizal Hospital sa Calamba City at sa Ospital ng Muntinlupa bandang alas-9 ng gabi.
Napag-alamang nakara nas ng pagsusuka, pagtatae, pananakit ng tiyan at pagkahilo ang mga biktima matapos makakain ng chicken adobo na may itlog na ipinamahagi ng isang religious organization sa Sioland evacuation center sa Barangay Poblacion.
“Mabilis namin silang binigyan ng re-hydrating solutions at anti-biotic para ma iwasan ang paglala at komplikasyon sa karamdaman ng mga biktima,” pahayag ni Dr. Baron.
Ayon kay Dr. Baron, natang gap lang nila ang 40-pasyente sa kanilang ospital at napilitang dalhin ang iba sa pinakamalapit na ospital dahil sa kakulangan ng kanilang pasilidad.
“Kumuha na rin kami ng sample ng pagkain para ipasuri sa Bureau of Food and Drugs at matukoy kung ano ang sangkap na nakalason sa mga biktima,” dagdag pa ni Dr. Baron
Habang isinusulat ang ulat na ito, kalahati sa bilang ng mga biktima ang pinayagang makalabas ng ospital mata pos makatanggap ng paunang lunas. Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos
- Latest
- Trending