^

Probinsiya

Karambola ng sasakyan sa pagbisita ni GMA

-

MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang pagbisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Negros Occidental matapos na magbanggaan ang sa­sak­yan ng police operative na nagse-secure ng dara­anan nito at ng iba pang sa­sakyan na ikinasawi ng taxi driver habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan sa Silay City, kamakalawa.

Kinilala ang drayber na si Mario Belinario at malub­hang nasugatan naman ang pasahero nitong si Jo­nalyn Libron, 31, habang da­la­wang pulis ng 6th Regional Mobile Group ang nasuga­tan din sa insidente. 

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, na­ganap ang insidente sa kahabaan ng bagong ga­wang diversion road sa Hacienda Normandia sa Brgy. Bactic, dakong alas-10 ng umaga.

Napag-alamang patungo ang 7-man team ng RMG troopers sa Bacolod City bi­ lang bahagi ng police contingent na mangangalaga sa se­guridad ni Pangulong Arroyo nang bumangga ang Fuzo Canter sa taxi ni Beli­nario.

Nabatid na ang Fuzo Canter na pag-aari ng local na pamahalaan at minama­neho naman ni PO1 Rhodil Buelos ay nawalan ng preno nang iwasan nito na ma­bang­ga ang kasalubong naToyota Fortuner.

Bunga nito, ay nagbang­gaan ang Canter vehicle na nakabanggaan ng taxi na nahulog pa sa kanal sa lakas ng banggaan.

Patuloy naman ang im­bestigasyon sa nabanggit na insidente. Joy Cantos

BACOLOD CITY

CAMP CRAME

FUZO CANTER

HACIENDA NORMANDIA

JOY CANTOS

MARIO BELINARIO

NEGROS OCCIDENTAL

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with