31 katao nadale ng kemikal

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Tinatayang aabot sa 31 residente ang na-ospi­tal makaraang maka­lang­hap ng nakakasulasok na kemikal kahapon ng uma­ga sa bayan ng Silang, Cavite.

Ayon kay P/Senior Supt. Alfred Corpuz, Cavite police director, isinugod sa Paga­mutang Bayan ng Cavite ang 31-katao matapos ma­ka­ram­dam ng pagkahilo at pagka­suka nang maka­amoy ng ke­mikal na sina­sabing nagmula sa Clean­way Fac­tory sa Ba­rangay Maguyam bandang alas-5 ng umaga.

“Wala namang grabeng nasaktan na pawang minor treatment lang ang ibinigay sa mga pasyente na naka­uwi rin agad matapos ma­gamot,” dagdag pa ni Corpuz. 

Gayon pa man, pinai­im­bestigahan na rin ng pu­lisya at lokal na pamahalaan ng Silang kung saan  nagmula at kung anong kemikal ang nag­dulot ng napakasang­sang na amoy na naka­apekto sa mga residente. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang

Show comments