^

Probinsiya

Pinagdalhan sa Irish priest tukoy na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natukoy na ng security forces ang pinagkukutaan ng mga kidnaper na du­ mukot kay Irish priest Fr. Michael Sin­not noong Ling­go sa Pagadian City, Zam­boanga del Sur.

 “May tatlong reported sightings tayo, hindi pa naming puwedeng I-disclose ‘yung place,” pahayag ni Major General Ben Moham­mad Dolorfino.

Kasabay nito, nagpaha­yag ng pagkabahala ang Columban Missionary na ipinarating sa Crisis Management Committee ni Zam­boanga del Sur Governor Aurora Enerio-Cerilles sa ka­lagayan ni Sinnot dahil sa malubhang karam­da­man sa puso kung saan hindi ma­ipag­papatuloy ang maintenance ng kaniyang mga ga­mot ay maaaring mamatay.

Ayon kay Allan June Molde, spokesman ng Crisis Management Committee, ilang beses na suma­ilalim sa maselang ope­rasyon sa puso si Fr. Sinnot kaya deli­kado kung magta­tagal ito sa kamay ng mga kidnaper lalo na at walang baong gamot nang kidna­pin.

 “Inactivate na ‘yung Task Force Sinnot, sinusu­porta­han sila ng Army’s 1st Infantry Division kasi ‘yung mga units dyan sa area, they are closely working with, ngayon we have four Philippine  Navy watercraft na nagko-kordon na sa dagat para, ang effort natin ngayon is to contain them in that particular area, so sa lupa,” dagdag pa ni Dolor­fino.

Samantala, pinalakas din ang checkpoint upang ma­iwa­sang maipuslit si Fr. Sinnot na posibleng itago sa pinagkukutaan ng mga wan­ted na lider ng Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu.

Nabatid pa ang dayu­hang pari ay namataan ng mga intelligence asset habang kinakaladkad ng mga kidnaper sa tatlong lugar na kasalukuyang ti­nututukan ngayon ng security forces.

ABU SAYYAF

ALLAN JUNE MOLDE

COLUMBAN MISSIONARY

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

INFANTRY DIVISION

MAJOR GENERAL BEN MOHAM

MICHAEL SIN

PAGADIAN CITY

SHY

SINNOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with