Giant vintage bomb, nahukay
PULILAN, Bulacan, Philippines – Isang higanteng vintage bomb ang natagpuan sa isang bahagi ng ilog sa Brgy. Cutcot sa bayang ito kahapon ng umaga.
Sa ulat, ang vintage bomb na may habang 5 talampakan at bigat na isang tonelada ay nadiskubre ng mangingisdang si Ernesto Gatchalian dakong alas-8 ng umaga matapos na di sinasadyang makapa ito sa ilalim ng ilog.
Una ng nakakuha ang ilang mangingisda dito ng katulad na bomba noong 2003 kung saan sampung katao ang nagtulung-tulong para maiahon ito sa pagkakabaon sa putik. Pinaniniwalaan naman na marami pang natitirang bomba sa ilalim ng ilog at natatabunan lang ng makapal na putik. (Boy Cruz)
- Latest
- Trending














