^

Probinsiya

Magpinsan nilamon ng putik

-

MANILA, Philippines - Hindi na sinikatan ng araw ang magpinsan makaraang malibing nang buhay sa landslide kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Poblacion, Mankayan, Benguet.

Kinilala ni P/Senior Insp. Fernando Botangen, ang mga biktimang sina Jolina Mae Capia-ao Astudillo, 5; at John Kennedy Capia-ao Fagsao, 5.

Napag-alamang natutulog ang dalawa sa sala ng ka­nilang bahay sa Upper Guiwe sa Tabio nang mag-landslide at matabunan ang kinaro­roonan ng mga biktimang bandang alas-2:30 ng ma­daling-araw.

Samantala, aabot naman sa 25 sasakyan na sinasabing nakaparada sa kahabaan ng kalsada ng KM3 sa La Tri­ni­dad, Benguet ang natabu­nan nang gumuhong putik habang ilan pang mga ka­bahayan ang natabunan.

Umaabot naman sa 27 pamilya ang inilikas mula sa City Camp Lagoon sa Baguio City dahil sa patuloy na pag­taas ng tubig-baha.

Pinayuhan din ng OCD ang mag motorista na doble­hin ang pag-iingat sa pagta­hak sa Quirino Highway, Kennon Road at Halsema Highway dahil sa mga landslides. Artemio Dumlao at Joy Cantos

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

BENGUET

CITY CAMP LAGOON

FERNANDO BOTANGEN

HALSEMA HIGHWAY

JOHN KENNEDY CAPIA

JOLINA MAE CAPIA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with