MANILA, Philippines - Na-hijack ng mga hinihinalang armadong miyembro ng Alvin Flores highway robbery gang ang isang oil tanker habang bumabagtas ito sa North Luzon Expressway sa Barangay Tabuyoc, Apalit, Pampanga kamakalawa ng gabi.
Walang nagawa ang driver ng Isuzu tractor head na si Leonardo Cabuso at mga pahinante nito nang harangin at tutukan sila ng baril ng mga hijacker at tangayin ang sasakyan na naglalaman ng 20,000 litro ng gasolina. (Joy Cantos)