^

Probinsiya

Ex-bank manager, 2 pa, timbog sa pekeng loan

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tatlong katao na kinabibilangan ng isang dating manedyer ng bang­ko ang inaresto ng pulisya sa Bambang ng lalawigang ito matapos ireklamo ng ilang mga negosyante sa pekeng bank loan na ina­alok sa mga ito ng mga suspek.    

Kinilala ni Chief Inspector Janton Albano, hepe ng Bambang Police, ang mga suspek na sina Gerald Reyes, dati umanong manager ng Prudential Bank; Horacio Santos ng Ba­rangay Aristis, Cabana­tuan, City; at Suzette Are­valo residente naman ng Bambang.    

Inihahanda ng mga awtoridad ang kau­kulang kaso laban sa mga suspek dahil sa pamemeke ng mga dokumento para sa loan na inialok nila sa mga biktimang sina Juanita Guinid, Noveline Tagure, Judith Kindao at Jonalyn Dumingay, pawang mga negosyante na nakabase sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal na matatag­puan sa bayan ng Bam­bang.      

Sinasabing inalok uma­no ng mga suspek ang mga biktima ng loan sa banko na walang collateral at co-maker pero pinag­babayad muna sila ng P3,900.    

Pinabulaanan ni Reyes ang akusasyon at iginiit na legal ang kanyang mga papeles. (Victor Martin)

vuukle comment

BAMBANG

BAMBANG POLICE

CHIEF INSPECTOR JANTON ALBANO

GERALD REYES

HORACIO SANTOS

JONALYN DUMINGAY

JUANITA GUINID

JUDITH KINDAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with