Pulis nabaril ng kabaro, dedo

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaaga ang karit ni kamatayan sa isang 22-anyos na bagitong pulis makaraang mabaril ng kanyang kabaro sa loob ng kanilang barracks kamakalawa ng gabi sa bayan ng Gapan City, Nueva Ecija. Idineklarang patay sa Gapan City Good Samaritan Hospital si PO1 Leomar Tan, 22, ng Josephine Village, Brgy. Calaocan, San Jose City. Samantala, nahaharap naman sa kasong kriminal si PO1 Carlo Divina, 24, ng Brgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija, kapwa trainee sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na lungsod. Sa police report, lumilitaw na sinasanay ni Divina ang kanyang baril na sinasabing walang bala subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang pumutok kung saan tinamaan sa dibdib ang bik­tima. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments