^

Probinsiya

5 terrorist bomber dinakma

-

MANILA, Philippines - Limang kalalakihan na si­na­sabing nasa likod sa serye ng pambobomba sa Southern at Central Min­danao ang na­sakote ng mga awto­ridad sa isinaga­wang operas­yon sa Purok Tagumpay, Brgy. Pob­lacion sa bayan ng Ta­tangan, South Cotabato noong Miyer­kules ng umaga.

Kabilang sa mga sus­pek na sumasailalim sa tactical interrogation ay sina Haji Ting Usman, 39, ng Sultan sa Ba­rongis, Maguindanao; Din Bansel, 32; Sammy Akang, 33; Jihar Mindal Malida, 33; at si Ismael Tabidtig Ganda, 47; pawang naninirahan sa ba­yan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ayon kay P/Senior Supt. Nilo Wong, positibong kini­lala ng mga testigo ang mga sus­pek kaugnay sa malagim na pambobomba sa  Imma­culate Con­cepcion Cathedral sa Co­tabato City noong Hulyo 5  na kumitil ng anim-katao habang aabot naman sa 30 ang na­sugatan maging sa serye ng  Kidapawan City bombing.

Nabatid na si Usman ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong murder at frustrated multiple murder na inisyu ni Regional Trial Court Branch 23 Judge Rogelio Naresma kaugnay ng pam­bo­­bomba sa Kida­ pawan City.

Samantala, maliban sa pambobomba ay sinisilip rin ng mga awtoridad ang posi­bleng pagkakasangkot ng mga suspek sa bigong pag­dukot sa tatlong Koreano sa Sto. Niño, South Cotabato noong Agosto 21, 2009.

Patuloy namang iniim­bes­­tigahan ang posibleng ugna­yan ng nasabing grupo sa notoryus na Al-Khobar extortion gang na aktibong nag-ooperate sa North Co­tabato. Joy Cantos

CENTRAL MIN

DIN BANSEL

HAJI TING USMAN

ISMAEL TABIDTIG GANDA

JIHAR MINDAL MALIDA

JOY CANTOS

JUDGE ROGELIO NARESMA

KIDAPAWAN CITY

SHY

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with