Misis dinedo ng mister
CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na misis ng kanyang mister sa Barangay Salinas, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Labimpitong saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Lanie Magbanua habang sugatan naman ang anak nitong si Jasmin, 3. Kalaboso naman ang suspek na si Ricky Magbanua matapos maaresto ng pulisya. Napag-alamang kinompronta ni Ricky ang kanyang asawa kaugnay sa kumakalat na balitang may ibang karelasyong lalaki na itinanggi naman ng huli hanggang sa mauwi sa pamamaslang. Cristina Timbang
- Latest
- Trending