Suhol sa jueteng inayawan
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya — Muling iginiit ni Bishop Ramon Villena ng Diocese of Bayombong ang pagsalungat sa anumang uri ng iligal na sugal partikular na ang jueteng at on-line gaming sa Nueva Vizcaya sa kabila ng mga tangkang panunuhol ng mga gambling lord.
“My position against jueteng and gambling in general has not changed and still remains as firm as before,” ito ang naging tugon ni Villena matapos siyang batikusin sa artikulo sa pahayagan kaugnay sa pananahimik nito sa usaping illegal numbers sa Nueva Vizcaya.
Mariin din na itinanggi ng Obispo na tumanggap siya ng pera mula sa controversial na Spanish-owned Meridien Vista Gaming Corp. na nagsasagawa ng operasyon sa mga lalawigan at iba pang bahagi ng bansa.
Kasabay nito ay ibinunyag ni Villena ang ilang mga kilalang personalidad na nagtangkang magbigay ng suhol para sa operasyon ng jueteng sa Nueva Vizcaya subalit nabigo lamang ang mga ito.
Kabilang na ang isang envelop na iniabot sa kanyang kaarawan subalit hanggang ngayon ay hindi pa binubuksan.
Noong Miyerkules ng Aug. 19 ay ni-raid ng mga tauhan ng Task Force Maverick at Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang bolahan ng Meridien sa Nueva Vizcaya na nagresulta sa pagkakadakip ng 59-katao. Victor Martin
- Latest
- Trending