Lolo nag-viagra, todas
MANILA, Philippines - Isang matandang lalaki na sinasabing uminom ng viagra (sildenafil citrate) para makipagtalik sa kasamang babae ang iniulat na nasawi sa loob ng kuwarto ng sikat na motel sa kahabaan ng General Maxilom Ext. sa Barangay Careta, Cebu City, Cebu kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na ipinatago ng pamilya nito sa pangalang Lolo Isko ng Brgy. Sambag II ay nadiskubre ng mga roomboy sa loob ng kuwarto.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na pasado alas-9 ng gabi nang mag-check-in sa hotel ang biktima kasama ang magandang babae.
Sa pahayag ng guwardiya sa motel ay namataan niyang humahangos ang nasabing babae na sumakay ng taxi palayo kaya kaagad niyang ipinagbigay-alam sa mga chambermaid ng motel upang alamin ang kuwarto ng matanda.
Narekober ng pulisya sa lugar ang ilang kapsula at limang tabletas na sinasabing viagra na ininom ng matanda para pampagana sa pakikipagtalik.
- Latest
- Trending