Saleslady ni-rape slay
BULACAN , Philippines – Natagpuang patay kahapon na sinasabing tatlong araw ng nawawala ang isang 19-anyos na saleslady makaraang abandonahin ang bangkay nito na tadtad ng saksak at pinaniniwalaang hinalay ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa madamong bahagi ng Sitio Bangka-Bangka, Brgy. Mag-asawang Sapa sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Karen Reyes,19, ng #137 Brgy. Silangan at saleslady ng Walter Mart Shopping Mall sa Barangay Sta. Clara. Ayon sa kay PO2 Rex Belli Tamani, ang bangkay ni Reyes ay natagpuan ng basurerong si May Sotto matapos na umalingasaw ang masangsang na amoy.
Napag-alaman na ipina-police blotter ni Lydia Reyes na nawawala ang kanyang anak noong Agosto 21. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. (Boy Cruz)
- Latest
- Trending