Rapist ng 3 dalagita dakma
BULACAN , Philippines – Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 45-anyos na lalaki makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong panghahalay sa tatlong dalagita sa loob ng hotel sa Barangay Bagong Buhay sa San Jose del Monte City, Bulacan. Pormal naman kinasuhan ang suspek na si Ricardo Faustino ng Brgy. Minuyan, Norzagaray habang nasa kostodiya ng CSWD ang tatlong biktima na pawang nakatira sa mga Brgy. Fatima V, Dulong Bayan at sa Brgy. Citrus. Sa police report, magkakasunod na hinalay ang mga biktima sa loob ng Lacandra Hotel sa Brgy. Bagong Buhay 1 noong Hulyo 22 hanggang Agosto 17. Napag-alamang binigyan ng pera ang mga biktimang pinainom muna ng alak matapos isagawa ang maitim na balak ng suspek. Boy Cruz
- Latest
- Trending