Negosyante kinatay
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang negosyanteng lalaki makaraang pagtulungang saksakin at pagtatagain ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan sa harapan mismo ng kanyang mga kawani kamakalawa ng gabi sa Barangay Maolingan sa bayan ng Mandaon, Masbate. Halos magkagutay-gutay ang katawan ni Godofredo Ramizo, 59, may asawa, ng Sitio Toos ng nabanggit na barangay. Dalawa sa limang suspek na sinasabing positibong namukhaan ng mga testigo ay nakilalang sina Joel “Jojo” Mesa at Jose Azuero, alyas Katorse Sientos. Napag-alamang nakikipagpulong ang biktima sa kanyang mga trabahador sa Gemelina plantation nang lapitan at pagtulungang paslangin. Ed Casulla
- Latest
- Trending