2 holdaper ng bus, tiklo

BULACAN , Philippines   – Dalawang kalalakihan na sinasangkot sa panghoholdap sa mga pasahero ng Five Star Bus noong Miyerkules ng gabi ang nasakote ng mga ope­ratiba ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sa bisinidad ng Brgy. San Lorenzo Ruiz sa bayan ng Das­mariñas, Ca­vite. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Apolinario Morales, 39, ng #26 Es­coda St., San Rafael Village, Navotas, Metro Manila at Melchor Cubian, 44, ng Brgy. San Lorenzo Ruiz II. Na­rekober sa mga suspek ang 4-celpon at dalawang baril. Sina Cubian at Morales ay sang­kot sa panghoholdap kung saan nakatangay ng malaking halaga sa mga pasahero ng bus na may plakang TVW 582 mula sa Quezon City patungong Pangasinan. Boy Cruz


Show comments