Trak sinunog ng NPA rebs

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines Pina­niniwalaang may kaugnayan sa revolutionary tax kaya sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang truck ng Megay Construction kamakalawa ng gabi sa Sitio Mayon, Barangay Toytoy sa bayan ng Gar­chitorena, Camarines Sur. Sa inisyal na impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na humihingi ng buwis ang mga rebelde sa may-ari ng construction firm subalit tumang­ging magbigay kaya sinilaban ang truck na may plakang EAD 367. Ed Casulla

Show comments