Binatilyo todas sa granada

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na binatilyo ang iniulat na nasawi  makaraang sumabog ang granada sa bakuran ng logging company sa Barangay Anticala sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng umaga.

Halos ma­lasog ang katawan ni Jonard Arcella matapos masa­bugan ng granada ang abandonadong compound ng Sky Forest Incorporated.

Ayon kay  P/Senior Supt. Nestor Fajura, hindi naman malinaw kung inihagis ang granada o napulot ito ng biktima. Joy Cantos

Show comments