^

Probinsiya

P108-mil­yong pananim winasak ni Jolina

-

BATANGAS CITY, Philippines – Ti­nata­yang aabot sa P108-mil­yong pa­nanim mula sa 22,485 hektar­yang bukirin sa ilang bayan ng Occidental Mindoro ang wina­sak ng bag­yong Jolina noong Bi­yer­­nes hanggang sa kasa­ lu­ku­yan. 

Kabilang sa mga bayang lu­ bog sa tubig-baha ay ang mga bayan ng Calintaan, Mag­say­say, Rizal, at ang ba­yan ng Sab­layan.

Samantala, aabot naman sa 6,416 pamilya (26,321-ka­tao) ang inilikas mula sa 14 na barangay sa bayan ng Sabla­yan at karatig bayan, ayon kay Allan Virtucio, operations chief ng Office of the Civil Defense sa Region 4-B.

Naputol din ang ilang kal­sa­ da sa national highway na nag­dudugtong sa mga bayan ng Abra De Ilog, San Jose, Rizal, Mag­saysay, Mam­burao at sa bayan ng Sta Cruz dahil sa landslide.

Tumulong na ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Red Cross, Provincial Disaster Coordinating Council at lokal na pamaha­laan para sa paglilikas ng mga apektadong pamilya sa mga pampublikong paaralan.

Samantala, kinilala na­man ni P/Senior Supt. Cea­sar Mi­ randa, Occidental Min­doro police chief, ang nasa­wing si Benjamin Temporaza, 30, ng Ba­rangay Manoot, Rizal matapos malunod nang tangayin ng tubig-baha. Arnell Ozaeta

ABRA DE ILOG

ALLAN VIRTUCIO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNELL OZAETA

BENJAMIN TEMPORAZA

OCCIDENTAL MIN

OCCIDENTAL MINDORO

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with