^

Probinsiya

Army official, 1 pa tiklo sa highway robbery

-

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang junior officer ng Philippine Army at ang kasabwat nito makaraang maaresto ng pulisya dahil sa pang­ho­holdap ng isang negos­yante noong Sabado sa bayan ng Talacogon, Agu­san del Sur.

Kinilala ni P/Chief Supt. Jaime Milla, director ng Police Regional Office 13, ang mga suspek na sina 1Lt. Roel Bontuyan Henga­nia at Maximo Ucab.

Si Hengania ay miyem­bro ng 8th Infantry Division at naka-assign sa Makati City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, minama­neho ng biktimang si Per­mo Gretare ang kanyang truck (GFP-276) sa ka­habaan ng Purok 1, Ba­rangay Zellova nang pa­rahin ng mga suspek.

Napilitan naman si Gre­tare  na ihinto ang sasak­yan dahil  nakita nitong may baril at nakasuot ng uniporme ng sundalo.

Inakala ng biktima na pinahihinto lamang siya para sa inspeksyon ng nasabing Army junior officer, subalit nang lapitan siya ng dalawa sa mga ito ay bigla na lamang nag­deklara ng holdap.

Tinangay ng mga sus­pek ang P.2 milyon at P40, 540 tseke na kinita ng biktima sa kanyang negosyo.

Sa follow-up operations ay nasakote ang dalawa at narekober mula sa mga ito ang dalawang baril, P179,500 at ang tseke. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

INFANTRY DIVISION

JAIME MILLA

JOY CANTOS

MAKATI CITY

MAXIMO UCAB

PHILIPPINE ARMY

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with