^

Probinsiya

Pakinabang sa tabako natuklasan

-

LA UNION , Philippines   — May pera hindi lang sa basura, kundi pati sa alikabok ng tabako. Ito ang pinatunayan ng National Tobacco Administration sa pagpapasinaya ng kauna-unahang Tobacco Dust Processing Plant na literal na gigiling sa mga reject na dahon ng tabako sa Barangay Fer­nando sa bayan ng Sto. Tomas, La Union.

Ayon kay NTA Administrator Carlitos Encarnacion, ang tobacco dust na nag­mula sa tabako ay mabi­sang pamuksa ng kuhol at iba pang peste sa mga palaisdaan.

Aabot sa P500 milyong ang itatayong planta na sinasabing may kapasidad na gumawa ng 30 milyong kilo ng tobako dust bawa’t taon kung saan nanga­ngailangan ng 400 milyong kilo ng alikabok ng tabako para maging pagkain ng mga isda sa palaisdaan.

Nabatid na ang tobacco dust ay maituturing na environment friendly sa­pagka’t wala itong ma­panganib na chemical residues na na­giging dahilan para ma-ban ang fresh bangus sa Ame­rika at Europa. 

Inanunsyo rin En­car­na­cion na sa susunod na bu­wan ay itatayo sa Ilocos Sur ang planta ng papel mula naman sa tobacco pulp. 

“Kung sa dust processing plant ay reject leaves ang gamit, ang raw materials naman sa ikalawang planta ay mga tobacco stalks o puno at mga sanga ng tabako,” dagdag pa ni Encarnacion

Dahil sa mga tuklas na bagong gamit ng tabako ay maituturing na miracle plant ang tabako, ayon kay Winston Uy, president of Philippine Aromatic Dealers Association na ang tabako ay maituturing na rin na miracle plant. Victor Martin


ADMINISTRATOR CARLITOS ENCARNACION

BARANGAY FER

ILOCOS SUR

LA UNION

NATIONAL TOBACCO ADMINISTRATION

PHILIPPINE AROMATIC DEALERS ASSOCIATION

SHY

TABAKO

TOBACCO DUST PROCESSING PLANT

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with