Misis tumalon sa ilog, todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Ikinagulat ng ilang mga residente ang pagpapatiwakal ng isang misis na tumalon mula sa isang tulay sa Barangay Ta­buco, Naga City kama­kalawa.

Nakilala ang misis na hindi na umabot nang buhay sa Bicol Medical Center na si Nilda De Vera, 49, may asawa at residente ng Barangay San Agustin, Canaman, Camarines Sur.

Dakong ala-1:20 ng hapon ng biglang tumalon si de Vera mula sa tulay at bumagsak sa ilog na iki­nagulat ng mga residente ng naturang lugar.

Naunang sumakay ang biktima sa isang tricycle na may plate no. ES-7292 at bumaba sa naturang lugar bago tumalon sa tulay.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng misis upang ito ay magpakamatay. (Ed Casulla)

Show comments