12 bomba para sa SONA nasabat

LUCENA CITY, Philippines – Ma­agap na nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang mga bomba na pinaniniwa­laang gagamitin para maka­gulo sa gaga­naping State of the Nations Address (SONA) ni Pangu­long Gloria Maca­pagal-Arroyo kung saan na­katago sa barko na naka­daong sa pantalan ng na­banggit na lungsod noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Commander Gre­gorio Adel, Jr., Lucena Coast Guard station chief, nagsasagawa ng random checking ang kanilang K-9 Units nang matagpuan ang 12 pampasabog sa basura­han ng M/V Blue Water Princess bandang alas-5:20 ng hapon.

Papuntang Masbate ang naturang barko na may 300 pasahero.

Sa pagsisiyasat, ang mga pampasabog ay gawa sa ammonium nitrate na hina­luan ng gasoline na may la­mang mga pako na nagsi­silbing shrapnel at mga blasting caps  na may electronically activated detonator. 

“Kapag sumabog ang bomba malaki ang magi­ging pinsala nito sa loob ng 10 hanggang 15 metrong lawak at maaring maka­patay ng ma­raming pasa­hero,” paha­yag ni Adel.

Nasa secod deck ng bar­ko ang mga pampa­sabog ma­lapit sa palikuran ng mga babae at ilang metro lang ang layo sa passengers lounge.

“Bago pa namin nasa­bat ang mga pampasabog, na­ka­katanggap na kami ng mga in­telligence informations na may susunugin at bo­bom­bahing mga barko sa Lucena City para mai-divert ang aten­syon ng gobyerno papalayo sa Mindanao,” paliwanag ni Adel.

Show comments