Misis tusta sa kidlat

MANILA, Philippines - Matalim na kidlat ang tumapos sa buhay ng isang misis na sinasabing nag-iipon ng tubig ulan kamakalawa ng ha­pon sa Brgy. Nasapahan, sa bayan ng Lemery, Iloilo. Hindi na umabot pa ng buhay sa Sara District Hospital si Mary Joy Apeledo, 23, dahil sa malakas na boltahe na pumasok sa kanyang katawan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nag-iipon ng tubig ulan ang biktima upang ipampaligo nang kumulog at kasabay nito ay kumislap ang matalim na kidlat. Joy Cantos


Show comments