Pamilya minasaker ng Abu Sayyaf
MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos na bistayin ng bala ng mga nakamotorsiklong armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf nitong Huwebes sa Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Ajari Jannali Sali; asawa nitong si Nasri Sali; at anak nilang si Junaid Sali, isang taong gulang. Pawang residente ng Al-Barka, Basilan ang mga biktima.
Batay sa report ng Basilan Provincial Police Office na ipinarating kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa, naganap ang pananambang sa mga biktima sa bisinidad ng highway ng Cabangalan, Ungkaya Pukan.
Lulan ng motorsiklo ang mag-anak nang bigla silang pagbabarilin ng mga bandido pagdating nila sa naturang lugar.
- Latest
- Trending