^

Probinsiya

Di-nakabayad ng P5M ransom... Tsinoy trader pinugutan ng Abu

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinangangambahang pi­nugutan na ng mga ban­didong Abu Sayyaf ang dinukot na Tsinoy trader noong Disyembre 2008 sa Jolo, Sulu, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, sinabi ng hepe ng AFP-Western Mindanao na si Major Gen. Ben Moham­mad Dolorfino, nakatang­gap sila ng impormasyon na pinaslang na ng mga kidnaper ang biktimang si Peter Go.

Gayon pa man, bine­beripika pa ang ulat ha­bang patuloy ang pagha­hanap ng search and rescue team ng Joint Task Force Comet sa biktima.

Bukod dito, walang kon­tak si Go sa kaniyang pa­milya para magsilbing proof of life ng nasabing bi­hag ng mga bandido na pinamumunuan ni Commander Albader Parad.

Ang grupo ni Parad ang responsable rin sa pagbi­hag sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross mula sa Patikul, Sulu noong Enero 15, 2009 at pinalaya nitong Abril at Hulyo.

Nauna nang nagbanta ang mga bandidong Abu Sayyaf na pupugutan si Go kapag nabigo ang pamilya nito na magbigay ng P5 milyong ransom kapalit ng kaniyang kalayaan.

Sinabi ni Dolorfino na nag­palabas siya ng direk­tiba sa kaniyang mga tau­han na maglunsad ng ope­rasyon para sa biktima.

Si Go ay kinidnap ng mga armadong tauhan ni Commander Parad noong Disyembre 13, 2008.

Sinabi ni Dolorfino na patuloy ang kanilang all effort offensive laban sa ban­di­dong grupo na target ni­lang lipulin bago ma­ tapos ang 2009 para walang ba­lakid sa 2010 national polls.

ABU SAYYAF

BEN MOHAM

COMMANDER ALBADER PARAD

COMMANDER PARAD

DISYEMBRE

DOLORFINO

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOINT TASK FORCE COMET

MAJOR GEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with