3 Salisi Gang arestado

BULACAN, Philippines — Tatlong kalalakihan na sinasabing mi­yembro ng notoryus na Salisi Gang ang nadakma ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Ang tatlo na suma­sailalim sa tactical interrogation ay sina Dennis Arvin Go y Valerio, 26, ng Purok 3, Area F, Brgy. Sapang Palay, San Jose del Monte City; Marvin Villacastin y Gregorio, 27, ng Brgy. Malhacan, Meycauayan City; at si Miguelito Gallegues y Ignacio, 24, ng Poblacion ll, Marilao. Base sa police report, ang mga suspek ay inireklamo nina Michael Ryan Reyes y Sobrina, 30, ng Sitio Centro, Brgy. San Jose Patag at Marlene Fernando y Gonzales, 36, ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria. Si Reyes ay natangayan ng malaking halaga sa computer shop sa Brgy. San Jose habang si Fernando naman ay nata­ngayan ng P10,000 sa pag-aaring tindahan. Boy Cruz

Show comments