Cell site ng Globe sinunog
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army ang cell site ng Globe telecommunication kahapon ng madaling-araw sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong ala-una ng madaling-araw nang isagawa ang pananabotahe sa nabanggit na lugar kung saan dinisarmahan ang nag-iisang guwardiya na si Nieto Bibar.
Dahil sa insidente ay nawalan ng signal ang mga gumagamit ng cell phone na ikinairita ng mga residente. May teorya ang mga awtoridad na may kinalaman sa revolutionary tax na hinihinggi ng mga rebelde at hindi naibigay. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending