6 dedo sa 'wild abaca'
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Anim-katao ang iniulat na namatay makaraang kumain ng ligaw na halamang abaca sa bayan ng Rizal, Palawan mula noong Mayo hanggang Hulyo 2009. Kinilala ni P/Inspector Rodelio Caballes, hepe ng Rizal police station, ang mga nasawi na sina Paso Lapisan, 50; Sermin Lapisan, 40; Masin Lapisan, 30; Peyal Tulingo, 33; Pago Untari, 40; at si Christian Desig, 8, pawang mga nakatira ng bulubunduking Barangay Culasian sa bayan ng Rizal, Palawan. Ayon kay Caballes, namatay na magkakasunod ang mga biktima sa loob ng dalawang buwan matapos silang magkasakit dahil sa pagkain ng ubod ng wild abaca. Napag-alamang hindi makababa ng bundok ang mga biktima para bumili ng pagkain sa bayan dahil sa madalas na pag-ulan sa nabanggit na lugar kaya naisipan na lang kumain ng nasabing halaman. Mula noon, isa-isa na silang namatay dahil sa lasong nakain mula sa ligaw na abaca. – Arnell Ozaeta at Joy Cantos
- Latest
- Trending