^

Probinsiya

Bomba pa sumabog sa kalsada

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines– Isang malakas na improvised explosive device na itinanim sa highway ng Pikit, North Cotabato ang pi­nasabog ng mga ’di kila­lang suspek kahapon ng umaga.

Ang explosive, ayon kay Insp. Elias Dandan ng Pikit Police, ay gawa sa 81-mm mortar at ginamit na triggering device ang isang Motorola handheld radio.

Target umano ng IED attack ang military vehicle ng 7th Infantry Battalion ng Army na paparating sa naturang highway, ayon kay Dandan.

Pero ang bomba ay su­mabog halos dalawang mi­nuto makaraang dumaan ang isang military truck.

Ayon kay Dandan, signature ng Moro Islamic Libe­ration Front ang gi­namit na IED sa roadside bomb attack.       

Ang explosion, ayon pa kay Dandan, ay lumikha ng isang metrong lalim at laki ng hukay. (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

AYON

DANDAN

ELIAS DANDAN

INFANTRY BATTALION

ISANG

MALU CADELINA MANAR

MORO ISLAMIC LIBE

NORTH COTABATO

PIKIT POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with