Barangay sinalakay ng MILF

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mahigit 100 Moro Islamic Liberation Front renegades na naghasik ng sindak sa mga residente ang isang ba­rangay sa Iligan City, La­nao del Norte kamakalawa.

Ito’y sa kabila ng pag­ba­bantay ng militar at pu­lisya sa lungsod matapos ang pagsabog sa pier na iki­nasugat ng 16 katao kamakailan.

Batay sa report, sinala­kay ng mga rebeldeng pi­namumunuan ni Comman­der Ayatula ang Purok Tigpagaladan sa Barangay Kalilangan sa naturang lungsod at pinaulanan ng bala ang mga kabahayan dito.

Nagpakawala rin ng rocket propelled grenade ang mga rebelde at sinu­nog ang isang bulldozer na nagkakahalaga ng P17 milyon at pag-aari ng pa­ma­halaang-lunsod ng Ili­gan.

Tumakas ang MILF re­ne­gades patungo sa Ka­ pai, Lanao del Norte bago du­mating ang tropa ng mga sundalo at pulis. (Joy Cantos)

Show comments