Police headquarter pinasabog

MANILA, Philippines – Niyanig ng sunud-sunod na pagpapasabog ang headquarters ng Davao del Norte Police Provincial Office sa Tagum City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Chief Supt. Pedro Tango, tumama sa ten­­nis court ang pinakawa­lang bala ng M203 grenade launcher kaya’t walang na­sugatan o nasawi sa pag­sabog na naganap bandang alauna ng madaling-araw.

Ang pagpapasabog ay lumikha ng pinsala sa na­banggit na headquarters na nakaalarma rin sa mga re­sidenteng naninirahan ma­lapit dito.

Blangko pa ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpapa­sabog.

Sa tala ng pulisya, ang Davao del Norte ay kapwa balwarte ng mga rebeldeng New People’s Army at maging ng pasaway na MILF renegades na nagsi­takas sa Central Mindanao. – Joy Cantos


Show comments