^

Probinsiya

Pari pumalag sa holdaper, inutas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Isang pari ang binaril at napatay ng tatlong hinihi­na­lang holdaper nang pala­gan niya ang mga ito sa Ta­li­say City, Cebu kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rev. Fr. Jo­vencio Rabusa, 46-anyos, team minister ng Naga Parish Church sa Naga, Cebu.

Ang biktima ay nasapol ng tama ng bala sa batok, tiyan at kaliwang kamay na nasawi habang umuusal ng panalangin.

Batay sa imbestigas­yon, sinabi ni Supt. Henry Bi­ñas, hepe ng Talisay City Police, naganap ang insi­dente sa Barangay Canso­jong, Talisay City dakong alas -8:30 ng gabi.

Sinisilip ng mga awtori­dad ang anggulo ng pag­na­nakaw sa motibo ng pa­mamaslang sa biktima da­hil nawawala ang dala­wang cell phone nito.

Hindi naman nagawang matangay ng mga suspect ang pitaka, pulseras at relos ng biktima.

Ang insidente ay naga­nap habang naka-sibilyan ang biktima na nagjo-jogging at bibisita sa kaniyang mga magulang at kapatid sa nasabing lugar nang ha­rangin ng mga arma­dong suspek.

Ayon sa kapatid ni Ra­busa na si Susan, na-text pa siya ng biktima sa kan­yang cell phone bago na­ga­­nap ang insidente.


vuukle comment

AYON

BARANGAY CANSO

BATAY

BIKTIMA

CEBU

HENRY BI

NAGA PARISH CHURCH

SHY

TALISAY CITY

TALISAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with