Kinalasan ng nobya, nagbigti

BULACAN, Philippines — Nagpakarit kay kamatayan ang isang 28-anyos na lalaki matapos kalasan ng kanyang nobya kahapon ng umaga sa Brgy. San Juan, Malolos City, Bulacan. Bandang alas-8:30 ng umaga nang ma­tagpuang nakabitin ang biktimang si Niel Aristotle Gozon ng Purok 6, Brgy.Balite, Malolos City. Sa salaysay ni Carmela Quimbao sa pulisya, nabatid na sumangguni sa kanya ang pamangking si Niel kaugnay sa pa­kikipagkalas ng nobya nito na sinasabing dinamdam ng biktima. Wala namang iniwang suicide note ang biktima. - Boy Cruz


Show comments